
Maraming bagay sa buhay ang mahirap unawain at ipaliwanag. Pagkat ang buhay ay sadyang mahiwaga. Paano mo maipaliliwanag kung papaanong ang bawat maliliit na aksyon ay nagbibigay daan tungo sa malalaking kaganapan. Halimbawa ay kung papaanong sa simpleng ngiting iyong binitawan ay nakilala mo ang taong makakapiling mo hanggang sa huling sandali ng iyong buhay, kung papaanong ang konting baryang hinulog mo ay nakapagliligtas ng isang buhay, kung papaanong ang maliit na piraso ng tinapay na ibinahagi mo sa iyong kapwa ay nakapagbago ng isang katauhan, at kung papaanong ang isa mong maling sagot sa isang katanunga'y magdulot sa iyo ng kapahamakan.
Ang buhay ay parang isang pelikula na kung saan ang bawat isa ay bida. At ang mga kawing-kawing na kaganapang ito ang bumubuo sa isang istorya.
No comments:
Post a Comment